Rockets sabog sa Thunder

Shai Gilgeous-Alexander of Oklahoma City
Ezra Shaw / Getty Images / AFP

OKLAHOMA CITY — Bumira sina Shai Gilgeous-Alexander at Chet Holmgren ng tig-29 points para banderahan ang Thunder sa 126-107 pagpapasabog sa Houston Rockets.

Tumipa si Gilgeous-Alexander ng 10-of-11 field goal shooting bago isalpak ang isang three-pointer na nagbigay sa Oklahoma City (8-1) ng 96-73 abante sa third quarter.

Kumonekta si Holmgren ng apat na triples para sa home team na nakawala sa second period matapos magtabla sa first quarter, 31-31.

Umiskor si Dillon Brooks ng 17 points para sa Houston (5-4) habang may 14 at 11 markers sina Fil-Am Jalen Green At Alperen Sengun, ayon sa pagkakasunod.

Sa Cleveland, bumanat si Darius Garland ng 27 points at may 23 markers si Evan Mobley sa 136-117 pagdomina ng Cavaliers (10-0) sa Golden State Warriors (7-2).

Sa Los Angeles, inilista ni LeBron James ang triple-double na 21 points, 13 assists at 12 rebounds sa 116-106 paggupo ng Lakers (5-4) sa Philadelphia 76ers (1-7).

Sa New York, humakot si Karl-Anthony Towns ng 32 points, 11 rebounds at 5 assists sa 116-94 paggiba ng Knicks (4-4) sa Milwaukee Bucks (2-7).

Show comments