UE magpapasolido sa No. 3 spot vs UST

Precious Momowei
UAAP photo

MANILA, Philippines —  Bibitbitin nina Precious Momowei, John Abate at Rainer Maga ang University of the East upang kalsuhan ang two-game losing streak kontra sa University of Sto. Tomas ngayong araw sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum.

Magsisismula ang ba­natan ng UE at UST sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng A­teneo de Manila University at Far Eastern University sa alas-3:30 ng hapon.

Maganda ang inilaro nina Momowei, Abate at Maga sa huli nilang laban pero hindi sapat para akbayan ang UE sa panalo matapos yumuko sa FEU, 51-59 noong Nobyembre 3.

Solo sa No. 3 sa team standings ang UE tangan ang 6-5 karta, nasa pang-apat ang UST na may 5-7, nasa tuktok ang defending champions De La Salle University na hawak ang 11-1 record habang pangalawa ang University of the Philippines pasan ang 9-2 karta.

Maliban sa pagpapala­kas ng kapit sa No. 3 spot, p­akay din ng Recto-based squad na makabawi sa Growling Tigers na tumalo sa kanila sa first round, 55-70 noong Setyembre 8.

Bagama’t hindi naging maganda ang laro ni Wello Lingolingo, tiyak na kasali siya sa ibabangga ng UE laban sa mga tirador ng España-based team.

Para sa UST, inaasahang itotodo din nila ang kanilang puwersa para makuha ang panalo sa UE at manatiling nasa loob ng magic four.

Show comments