MANILA, Philippines — Sa pagpasok ng Kapaskuhan ay inalok ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson (gitna) ang kanyang sarili para maging simbolo ng pagmamahal at pagpapatawad sa pagitan ni Paris Olympic hero Carlos Yulo at ng kanyang amang si Andrew (ikalawa mula sa kaliwa), ina na si Angelica (ikatlo mula sa kaliwa) at mga kapatid na sina Elaiza
(ikalawa mula sa kanan) at Eldrew (kanan). Nagkaroon ng sigalot ang pamilya Yulo simula noong nakaraang taon. Lalo pa silang nagkalayo nang manalo si Carlos ng dalawang gold medals sa Paris Olympics.
Sinabi ni Singson na walang katumbas na tagumpay ang maaaring pumantay
sa pag-ibig at respeto para sa kanyang pamilya. Ayon kay Singson, ang pagpapatawad, pag-uunawaan at pagmamalasakit ang dapat mangibabaw sa mga pamilyang Pilipino. At sa papalapait na Kapaskuhan ay sinabi ni Singson na ipinagdarasal ng sambayanan ang muling pagsasama-sama ng mga Yulo.
Nauna nang binigyan ni Singson ang pamilya Yulo ng isang pre-Yuletide present na P1 milyon.