^

PSN Palaro

Mojdeh pasok sa finals ng World Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh pasok sa finals ng World Cup
Micaela Jasmine Mojdeh.
Kuha ni Chris Co

MANILA, Philippines — Pasok sa finals si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa women’s 200m butterfly event sa prestihiyosong 2024 World Aqua­tics Swimming World Cup third leg na ginaganap sa Singapore.

Nairehistro ng 18-anyos na si Mojdeh ang bilis na dalawang minuto at 16.58 segundo para makuha ang spot sa eight-swimmer finale.

Pumangatlo ito sa Heat 1 sa likod nina Laura Lahtinen ng Finland na may 2:07.73 at Femke Spiering ng Netherlands na naglista ng 2:12.54.

“I felt heavy in South Korea but I feel better now in Singapore. Maganda ang warmup ko before the event. Hopefully mas ma­ging maganda ang time ko sa finals,” ani Mojdeh.

Ito ang ikalawang pagsabak ni Mojdeh sa World Cup matapos ang partisipasyon nito sa second leg noong nakaraang linggo sa Incheon, South Korea.

Makakasama ni Mojdeh sa finals si Southeast Asian Games champion X­iandi Chua na nagkwalipika rin matapos pumanlima sa Heat 2.

Naisumite ni Chua ang bilis na 2:14.11 para makuha ang puwesto sa finals.

Nanguna sa Heat 2 si Bella Grant ng Australia tangan ang 2:05.13 habang pumangalawa ang kababayan nitong si Brittany Castellyzzo na may 2:06.01.

Ikatlo si Nichole Toh ng Singapore (2:08.46) habang ikaapat naman si Applejean Gwinn ng Chinese-Taipei (2:13.00).

Si Mojdeh ang pinakabatang swimmer na nakapasok sa finals ngunit handa itong makipagsabayan sa mga world-class tankers na makakasagupa nito.

vuukle comment

MICAELA JASMINE MOJDEH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with