^

PSN Palaro

Tres ni Siakam nagpanalo sa Pacers

Pilipino Star Ngayon
Tres ni Siakam nagpanalo sa Pacers
Hindi pinalusot ni Pacers’ forward Pascal Siakam si Celtics’ guard Jaylen Brown.
STAR/File

INDIANAPOLIS — Ipinasok ni Pascal Siakam ang isang three-point shot sa huling 6.1 segundo sa overtime para sa 135-132 paglusot ng Indiana Pa­cers sa nagdedepensang Boston Celtics.

Tumapos si Siakam na may 29 points tampok ang career high na anim na triples bukod sa 11 rebounds para sa Pacers (2-3).

Iniskor naman ni Bennedict Mathurin ang 21 sa kanyang 30 points sa second half habang nag-ambag si Tyrese Haliburton ng 17 points at 12 assists.

Nakabangon ang tropa mula sa isang three-game losing skid.

Pinamunuan ni Jayson Tatum ang Celtics (4-1) sa kanyang 37 points habang may 25 markers si Jaylen Brown.

Bumalikwas ang Boston buhat sa isang 19-point fourth-quarter deficit para makapuwersa ng overtime bago agawin ang 132-130 bentahe mula sa layup ni Derrick White sa huling 39.7 segundo.

Sa Cleveland, umiskor si Evan Mobley ng 25 point at may 24 markers si Donovan Mitchell para sa 134-110 pagtusok ng Ca­valiers (5-0) sa Los A­ngeles Lakers (3-2).

Sa Miami, kumolekta si Karl-Anthony Towns ng 44 points at 13 rebounds sa 116-107 pagdaig ng New York Knicks (2-2) sa Heat (2-2).

Sa Oklahoma City, bumira si Lu Dort ng 20 points kasunod ang 19 markers ni Chet Holmgren para sa 105-93 pananaig ng Thunder (4-0) sa San Antonio Spurs (1-3).

BOSTON CELTICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with