^

PSN Palaro

BEST tankers humakot ng 7 ginto sa Tokyo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
BEST tankers humakot ng 7 ginto sa Tokyo
Ang BEST squad matapos ang matagumpay na kampanya sa Tokyo, Japan.
Chris Co

MANILA, Philippines —  Magarbong tinapos ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ang kam­panya nito hawak ang kabuuang pitong gintong me­dalya sa pagtatapos ng 2024 Buccaneer Invitational Swimming Cham­pionships na ginanap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.

Sa huling araw ay hu­ma­kot pa ang mga Pinoy tankers ng dalawang ginto, dalawang pilak at walong tansong medalya.

Muling rumatsada si Beh­rouz Mohammad Madi Mojdeh nang masiguro nito ang gintong medalya sa boys’ 13-14 100m breaststroke matapos ilista ang 1:12.92.

Pinataob nito sina Kenjiro Koya (1:13.08) at Kenny Schamisso (1:13.16) na nagkasya sa pilak at tan­song medalya, ayon sa pagkakasunod.

Nagdagdag pa si Mojdeh ng dalawang tansong medalya sa 200m butterfly (2:22.96) at 200m Indivi­dual Medley (2:21.68).

Ito ang ikalawang gin­tong medalya ni Mojdeh matapos manguna sa 200m breaststroke sa ope­ning day.

Hindi rin nagpaawat si Kristian Yugo Cabana na sumiguro pa ng ginto sa boys’ 13-14 200m IM bunsod ng naitala nitong 2:13.19 habang nagtala pa ito ng isang pilak sa 200m butterfly (2:13.42) at isang tanso sa 200m backstroke (1:03.54).

Nauna nang sumisid ng tatlong gintong medalya si Cabana sa 100m butterfly, 400m IM at 100m free­style.

Makulay din ang final day campaign ni Mikhael Jasper Mikee Mojdeh sa boys’ 9-10 class matapos su­mikwat ng isang pilak sa 100m butterfly (1:25.69), at dalawang tanso sa 50m backstroke (38.23) at 100m IM (1:23.95).

Nagdagdag ng tanso sina Therese Annika Quinto sa girls’ 13-14 50m free­style (29.45) at 100m backstroke (1:15.89), at Clara Maligat sa girls’ 13-14 200 butterfly (3:05.85).

“It was a great campaign. Nag-deliver lahat ng swimmers, lahat may me­dal and we’re so proud of them. Talagang lumaban silang lahat hanggang sa final day kaya worth it ang lahat ng trainings and sacrifices,” pahayag ni BEST team manager Joan Mojdeh.

Muli itong nagpasalamat sa FIlipino community sa Japan na tumulong at sumuporta sa buong dele­gasyon.

“Sobrang thankful kami sa Filipino community dito kina Myles Beltran, Arnel Punzalan, Marilyn Yokoko­ji, Sheryl Alcantara Yusa, Sheryl Ballesteros, Sahlee Bucao Endo and Shirley Di­zon Yasaka na tumulong sa buong delegation,” dagdag ni Mojdeh.

Nagpasalamat din ito kina coaches Sherwyn Santiago at Jerricson Llanos at SLP president Fred Ancheta.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with