^

PSN Palaro

Mapua lalapit sa Final 4 spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Ang pagbulsa sa playoff para sa Final Four berth ang pakay ng Mapua University sa pagharap sa Ly­ceum of the Philippines University sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament.

Magsasagupa ang Cardinals at Pirates ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang laban ng nagdedepensang San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bom­bers sa alas-2:30 ng hapon  sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Hawak ng St. Benilde ang liderato bitbit ang 11-2 ba­raha sa itaas ng San Be­da (10-3), San Beda (8-5), Letran (7-7), Lyceum (6-7), Emilio Aguinaldo College (6-7), Perpetual Help (6-8), Arellano (5-9), Jose Rizal (4-9) at San Sebastia (4-10).

Nauna nang nakakuha ang Blazers ng Final Four playoff spot.

Sumasakay ang Cardi­nals sa isang four-game winning streak, habang bag­sak sa dalawang sunod na kamalasan ang Pirates.

Bukod kay reigning MVP Clint Escamis, aasahan din ng Mapua si Chris Hubilla na naglista ng mga averages na 17.33 points, 7.33 rebounds at 4.33 assists.

“Ginagawa lang namin ‘yung best namin. Sabi ng coaches namin, maniwala lang kami sa bawat isa, maniwala kami na manana­lo kami.” ani Hubil­la.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with