Hield bumida sa Warriors vs Blazers

Inatake ni Buddy Hield ng Warriors ang depensa ng Trail Blazers.

PORTLAND — Bumira si Buddy Hield ng 22 points kasama ang limang three-point shots para sa 139-104 pagbugbog ng Golden State Warriors sa Trail Blazers. 

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 20 points at kumolekta si Stephen Curry ng 17 points, 10 assists at 9 rebounds para sa Golden State na binuksan ang season na wala si Klay Thompson sa unang pagkakataon sapul noong 2010-11 campaign.

Pinamunuan ni reserve guard Scoot Henderson ang Portland sa kanyang 22 points kasunod ang 16 markers ni forward Jerami Grant.

Sa Philadelphia, umiskor si Damian Lillard ngd 30 points at may 25 markers si Giannis Antetokounmpo sa 124-109 paggupo ng Milwaukee Bucks sa 76ers.

Hindi naglaro sina Joel Embiid at Paul George.

Sa Toronto, bumira si Evan Mobley ng 25 points sa 136-106 pagtusok ng Cleveland Cavaliers sa Raptors.

Sa New Orleans, tumipa si Brandon Ingram ng 33 points sa 123-111 pagdaig ng Pelicans sa Chicago Bulls.

Sa Salt Lake City, nagtala si Ja Morant ng 22 points, 10 assists at 5 rebounds sa 126-124 pagtakas ng Memphis Grizzlies sa Utah Jazz.

Show comments