Alohi pasok sa Foxies

MANILA, Philippines — Muling masisilayan sa aksyon si veteran playmaker Alohi Robins-Hardy sa Premier Volleyball Lea­gue (PVL) All-Filipino Conference na papalo sa Nobyembre 9.

Pormal nang inihayag ng Farm Fresh Foxies ang pagkuha nito sa serbisyo ni Robins-Hardy sa kanilang mga social media accounts.

“We’re adding height. We’re adding might. Join us in welcoming, a playmaker we missed playing in the local scene, Alohi Robins-Hardy. Her hiatus is over. And she’s ready to start fresh with the Farm Fresh Nation,” ayon sa post ng Farm Fresh.

Si Robins-Hardy ang ikalawang nadagdag sa lineup ng Foxies matapos kunin si veteran libero Jheck Dionela na galing sa 11-taon na paglalaro sa ilalim ng Cignal HD Spikers.

Nasilayan na sina Robins-Hardy at Dionela sa training camp ng Foxies.

Gayunpaman, posibleng hindi pa makapaglaro si Robins-Hardy matapos lumabas ang ulat na kailangan nitong dumaan sa Rookie Draft.

Isa sa proseso para makapagpartisipa sa roo­kie draft ang pagsusumite ng mga requirements gaya ng Philippine passport na magpapatunay na may dugo itong Pilipino.

Huling naglaro si Ro­bins-Hardy para sa HD Spikers sa Philippine Superliga (PSL).

Napaulat na hindi nakapaglaro si Robins-Hardy kasama ang HD Spikers sa 2021 PVL Open Conference — ang kauna-unahang kumperensiya ng liga bilang professional league — dahil sa umano’y kabiguan nitong makakuha ng Philippine passport.

Show comments