^

PSN Palaro

Blazers patuloy ang dominasyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanatili sa tuktok ng team standings ang College of St. Benilde matapos ang 80-65 dominasyon sa Jose Rizal University sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Umiskor si Ian Torres ng 16 points habang humakot si center Allen Liwag ng 12 markers at 11 rebounds para itaas ang kartada ng Blazers sa 10-2 at lalo pang palakasin ang tsansa sa Final Four.

“One game at a time lang kami ngayong second round,” sabi ni Liwag sa four-game winning streak ngayon ng tropa ni coach Charles Tiu

Bumulusok ang Heavy Bombers sa ikaapat na dikit na kamalasan para sa 3-9 baraha katabla sa ilalim ang San Sebastian Stags.

Bumanat ang St. Benilde ng 26-7 atake sa kabuuan ng third period para ilista ang 68-40 kalama­ngan sa Jose Rizal mula sa 42-33 halftime lead.

Lalo pang pinalobo ng Blazers ang kanilang bentahe sa 73-40 sa pagsisimula ng fourth quarter.

Pinamunuan ni Joshua Guiab ang Heavy Bombers sa kanyang 17 points.

Samantala, tinakasan ng Mapua University (10-3) ang nagdedepensang San Beda University (8-5) mula sa 58-55 panalo.

Bumandera si Chris Hubilla para sa Cardinals sa kanyang 17 points, 9 rebounds at 2 assists.

BENILDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with