Yulo binalikan ang pinagsanayang gymnastics club
MANILA, Philippines — Nasa Japan ngayon si Paris Olympic Games double-gold medalist Carlos Edriel Yulo upang magpasalamat sa mga tumulong sa kaniya upang maabot ang pangarap.
Binisita ni Yulo ang Tokushukai Gymnastics Club kung saan nakasalamuha nito ang mga gymnasts na nagsasanay doon.
Isa ang Tokushukai Gymnastics Club sa mga humasa sa kakayahan ni Yulo.
At umaasa si Yulo na muli itong makakapagsanay sa naturang club sa kaniyang paghahanda para sa malalaking international tournaments sa susunod na taon.
“Thank you very much to everyone at Tokushukai Gymnastics Club. I am truly grateful for your warm support and encouragement,” pahayag ni Yulo sa kaniyang post sa social media.
- Latest