MANILA, Philippines — Ipinakita ni Bismarck Lina ang kanyang kayang gawin para sa nagdedepensang San Beda University.
Humakot ang transferee big man ng career-high 20 points at 7 rebounds sa 79-65 pagresbak sa Arellano Chiefs sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Nagdagdag si Yukien Andrada ng 15 markers at may 14 points si Jomel Puno para sa four-game winning streak ng defending champion.
Ito pa lamang ang ikatlong laro ng dating University of the Philippines Fighting Maroon matapos magrekober mula sa ACL injury.
Sinolo ng San Beda ang second spot sa kanilang 7-3 record at ibinagsak ang Arellano sa 3-7.
“Hindi naman sa makabawi, it’s just that I’m very happy kasi I’ve warned the team that all teams are now battling for position, especially in the second round,” ani San Beda coach Yuri Escueta sa Arellano.
Kaagad kinuha ng Red Lions ang 41-29 halftime lead patungo sa 65-41 paglayo sa third period mula kina Lina at Yukien Andrada.
Lalo pang nabaon ang Chiefs sa 62-79 sa huling 1:32 minuto ng fourth quarter.
Sa ikalawang laro, pinabagsak ng Mapua University ang Jose Rizal University, 75-71.
Laglag ang JRU sa 3-7 karta.