Altas laglag sa Generals

Nagtala si guard King Gur­­tiza ng 21 points, 2 re­­bounds, 2 assists at 2 steals para sa 5-5 record ng Generals.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ibinagsak ng Emilio Agui­naldo College ang Uni­ver­sity of Perpetual Help System DALTA sa ikaapat na dikit na kamalasan sa bisa ng 78-70 panalo sa se­cond round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Nagtala si guard King Gur­­tiza ng 21 points, 2 re­­bounds, 2 assists at 2  steals para sa 5-5 record ng Generals.

Umiskor si Wilmar Ofta­na ng 12 markers at may 10 points si Gelo Loristo.

Laglag ang Altas sa 4-6.

Bumangon ang EAC mula sa isang 24-point de­ficit sa Perpe­tual para sa ka­­nilang ikalawang sunod na ratsada.

Pinamunuan ni Shawn Orgo ang Altas sa kanyang 16 points.

Sa unang laro, niresba­kan ng Lyceum of the Phi­lippines University ang Co­­legio de San Juan de Let­ran, 91-68.

Itinaas ng Pirates ang ka­­nilang kartada sa 5-5 at ini­hulog ang Knights sa 6-4 marka.

Nauna nang tinalo ng Let­ran ang Lyceum, 78-66, sa first round.

Bumira si Renz Villegas ng 23 points at naglista si John Barba ng 19 points at 11 rebounds para sa Pi­rates na umiskor ng 21 points sa fourth pe­riod kum­para sa pitong mar­ka ng Knights.

Show comments