NU pinulbos ang EAC sa SSL

Umere si Bella Belen ng NU Lady Bulldogs laban sa depensa ni Georgeena Lut ng EAC Lady Gene rals sa SSL collegiate preseason game.
SSL Photo

MANILA, Philippines — Kinadena ng nagdedepensang National University ang ikalawang sunod na panalo matapos lapain ang Emilio Aguinaldo College, 25-15, 25-7, 25-13, sa 2024 Sha­key’s Super League collegiate preseason cham­pionship kahapon sa Ri­zal Memorial Coliseum.

Sumabit sa two-way tie sa top spot ng Pool A ang ‘three-peat’ seeking NU ka­salo ang Arellano University tangan ang 2-0 marka.

Magaan na kinalos ng La­dy Bulldogs ang Lady Ge­nerals sa loob ng 77 mi­nuto kaya lumakas ang tsansa nilang sumampa sa susunod na phase pagkatapos ng group stage sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Pinamunuan ni Arah Pa­nique ang NU sa tinika­dang 10 points, habang bu­makas sina Bella Belen at reigning MVP Alyssa So­lomon ng tig-pitong puntos.

“Ang challenge ngayon is marami pa kaming errors and siguro work on sa mga kulang pa namin,” wika ni Pa­nique na miyembro ng Alas Pilipinas.

Show comments