Fajardo ibinigay ang lahat para sa Beermen

Ang dominasyon ni SMB center June Mar Fajardo sa Converge sa Game Five.
PBA Image

MANILA, Philippines — Halos pati buhay ay ibi­gay na ni June Mar Fajardo para lamang maipasok ang San Miguel sa semifi­nal round ng Season 49 PBA Governors’ Cup.

Humakot ang eight-time MVP ng 40 points at 24 rebounds para akayin ang Beermen sa 109-105 pagsibak sa Converge FiberXers sa deciding Game Five ng kanilang quar­terfinals series noong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tinapos ng SMB ang ka­nilang best-of-five duel ng Converge sa 3-2 para la­banan ang Barangay Gi­nebra sa best-of-seven se­mifinals showdown na magsisimula bukas.

“Do-or-die na ito eh. Ka­pag natalo, wala, uwi. Ayaw pa namin umuwi. So kailangan naming manalo,” sabi ng tubong Pinamungajan, Cebu.

Walang makapigil kay Fajardo sa shaded lane na sinamantala ni coach Jorge Gallent.

“We just gave him more touches because he’s really a great post player. We just took advantage of that situation. We know that when he gets doubled, he’s a good passer,” ani Gallent kay Fajardo na nagtala rin ng 4 assists at 1 steal.

Walang nag-akalang makakaisa ang Fiber­Exers sa kanilang serye ng Beermen.

Lalo na nang maagaw ng Converge ang Game Three, 114-112, mula sa buzzer-beating jumper ni Alec Stockton.

Sinundan nila ito ng 114-100 dominasyon sa Game Four para makapuwersa ng Game Five sa SMB.

“Malakas ang Converge. Hindi puwedeng bas­ta-bastang balewalain,” wika ni Fajardo. “Magiging contender siguro ‘yung Converge in the future.”

Show comments