MANILA, Philippines — Ang dalawang international tournaments ng Philippine Squash Academy ang pag-uusapan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Tatalakayin ni squash federation head Robert Bachmann sa pang alas-10:30 ng umagang sesyon ang Philippine Satellite and Challenge tournaments na kanilang idaraos bilang bahagi ng dry run para sa mga qualifiers sa 2028 LA Olympics.
Dadalo rin sina coach Wee Wern at players Reymark Begonia at Jemyca Aribado sa public sports program na inihahandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO at 24-7 sports app ArenaPlus.T
Bibisita rin si two-time Olympian Chito Garma para sa kanyang paglahok sa World Seniors Championships sa Santo Porto, Portugal sa Nobyembre.