Mangin sumipa ng ginto sa World Juniors

Umiskor si Tachiana Mangin ng Philippines laban sa Korean bet sa 2024 World Taekwondo Junior Championships.
World Taekwondo facebook page

MANILA, Philippines — Iwinagayway ni Pinay taekwondo jin Tachiana Mangin ang bandila ng Pilipinas matapos makasungkit ng gintong medalya sa prestihiyosong 2024 World Taekwondo Junior Championships na ginaganap sa Chuncheon, South Korea.

Matikas ang ratsada ni Mangin nang sunud-sunod nitong pataubin ang matitikas na karibal para pagreynahan ang wo­men’s 49-kilogram category.

Kabilang sa panalo ni Mangin ang pananaig nito kay hometown bet Kim Hyang-gi kung saan naitarak nito ang 14-8, 3-4, 7-6 panalo sa three rounds.

Gumawa ng kasaysa-yan si Mangin dahil ito ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Taek-wondo Junior Championships.

Kaya naman hindi maitago ni Mangin ang saya nang makuha nito ang korona sa kanyang dibisyon.

Naging madali ang da-ang tinahak ni Mangin para makapasok sa semis.

Hindi na pinagpawisan pa si Mangin dahil nanalo ito via walkover kontra kay Lamprini Anna Asimaki ng Greece na nagtamo ng injury dahilan para hindi na ito makalaro pa sa semis.

Kasama rin sa mga pinatalsik ni Mangin sina Judith Cordoba ng Spain sa round of 32, Natkamon Wassana ng Thailand sa round of 16 at Habiba Wael Emerah ng Egypt sa quarterfinals.

Show comments