Bacoor lusot sa Biñan sa MPVA

Na-blocked nina Daizerlyn Joyce Uy at Fianne Ariola ng Bacoor Strikers ang kill ni Erika Jin Deloria ng Biñan Tatak Gel.
MPVA photo

MANILA, Philippines — Inilusot ng Bacoor ang 20-25, 25-22, 25-17, 21-25, 15-3 panalo kontra sa Biñan Tatak Gel sa Round 2 ng Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) Season 1 kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Humataw si Cyrille Joie Alemaniana ng 21 points para itaas ang Strikers sa third place bitbit ang 8-2 baraha sa likod ng Quezon (10-1) at Rizal (9-3) kasunod ang Volley Angels (6-5).

Nakahugot si Alema­niana ng suporta kina Winnie Bedania, Jemalyn Menor at Shaila Allaine Omipon na nagdagdag ng 15, 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, sa nine-team league na itinatag ni MPBL chairman at aspiring Senator Manny Pacquiao.

Nagmula ang Bacoor sa kabiguan sa Quezon sa torneong suportado ng Extreme One-Stop Shop Appliances, ASICS, Mikasa at Gerflor kasama ang MPTV at Outcomm bilang broadcast partners.

Matapos kunin ng Biñan, nakahugot kina May Ann Nuique at Erika Jin Deloria ng tig-16 points, ang first set, 25-20, ay inagaw ng Bacoor ang 2-1 bentahe sa torneong inorganisa ng Volleyball Masters of the Philippines.

Nakatabla ang Volley Angels sa fourth set bago tuluyan nang sinelyuhan ng Strikers ang panalo sa paghablot sa fifth frame, 15-3.

Ang Bacoor ang nag­reyna sa una ngunit maik­ling MPVA bago ilunsad ng liga ang unang full home-and-away season ngayong taon tampok ang expansion ng siyam na koponan sa pangunguna ng Quezon.

Matapos hatawin ang 9-0 record ay lumuhod ang Quezon sa Biñan.

Show comments