Belen bibida sa NU vs Ateneo sa SSL

MANILA, Philippines — Ipaparada ng three-peat seeking National University si SSL ambassador Bella Belen para harapin ang tigasin din na Ateneo de Manila University sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila ngayong araw.

Sisimulan ng Lady Bulldogs ang kanilang kam­pan­ya sa alas-6 ng gabi laban sa Lady Blue Eagles na galing sa impresibong panalo sa Pool A match.

Bukod kay Bellen, huhugot din ng lakas ang Lady Bulldogs kina reigning tournament Most Valuable Player Alyssa Solomon, top setter Lams Lamina at Arah Panique, liyamado sa korona ang NU sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Patuloy ang pamama­yagpag ng NU na hindi pa nakakatikim ng talo sa 24 matches sapul nang sumali sa SSL noong 2022. 

Samantala, pakay naman ng University of the East na ilista ang back-to-back wins sa Pool B sa event na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Li­ner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), SM Tickets bilang technical partners.

Maghaharap naman sa alas-3:30 ng hapon ang San Beda University Spi­kers at Arellano University Lady Chiefs.

Show comments