MANILA, Philippines — Binasbasan ng International Canoe Federation (ICF) ang pagdaraos ng Pilipinas sa ICF Dragon Boat World Championships sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa, Palawan.
Ang event na inorganisa ng Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF) ay main qualifying meet para sa 2025 World Games.
Gagawin ng popular paddling sport ang debut sa 12th edition ng quadrennial sportsfest para sa non-Olympic disciplines sa Agosto 7 hanggang 17, 2025 sa Chengdu, China.
Kaya ang nasabing torneo na kapwa inorganisa at suportado ng Puerto Princesa City government sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron ay isang ‘must event’ para sa mga top global paddlers.
Ang 10 qualified teams ay ibabase sa cumulative times sa mixed team small boat o 10-seater category sa 200, 500 at 2,000-meter races na idaraos sa Sulu Sea sa Puerto Princesa Baywalk.