MANILA, Philippines — Sisimulan ng San Miguel at Meralco ang kanilang mga kampanya sa Home and Away Season 2 ng EASL (East Asia Super League).
Lalabanan ng Beermen kasama sina imports EJ Anosike at Quincy Miller ang bisitang Korean Basketball League (KBL) team Suwon KT Sonicboom ngayong alas-6:10 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa alas-8:10 ng gabi ay haharapin ng Bolts, gigiyahan nina imports Allen Durham at DJ Kennedy at naturalized player Ange Kouame, ang bagitong Macau Black Bears.
Kapwa bigo ang San Miguel at Meralco na makapasok sa Final Four ng nakaarang ESL season na inilaro sa Lapu-Lapu City.
“It’s going to be one big show. We’re launching the EASL 2024-25 season. It’s the first time we’re doing it in Manila and we know how much Filipinos love the game of basketball. It’s not only an honor but more of an obligation to host the games here in Manila,” ani VP Business Development at EASL Philippines head Banjo Albano kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.