MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) sa pagsabak ng national men’s team sa darating na 14th East Asia Baseball Cup.
Ito ay dahil na rin sa paggiya ni coach Vince Sagisi, naging scout ng 13 taon para sa Texas Rangers at Cleveland Guardians, sa mga Pinoy batters.
“I believe we’ll be the dominant team here,” sabi kahapon ni PABA president Chito Loyzaga sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.
Hahataw ang 14th East Asia Baseball Cup sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 sa Clark, Pampanga.
“I will say this. I didn’t travel all the way from the US to the Philippines to place second. That’s why we picked quality baseball players that will compete in many championships,” sabi ni Sagisi na isinilang sa Ilocos Sur sa PSA Forum na inihandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT at 24/7 sports app ArenaPlus.
Ang torneo ay magsisilbing qualifier para sa 2024 Asian Championship.
Bukod sa Pilipinas, ang iba pang lalahok ay ang Thailand, Indonesia, Singapore, Malaysia, Cambodia, Hong Kong, India, Sri Lanka, Pakistan, Iran at Iraq.