MANILA, Philippines – Pinatumba ng Philippine Christian University (PCU) ang Western Australia squad, 97-62, sa winner-take-all finals para angkinin ang korona ng 2nd FiloBasket National Championship sa Perth, Australia.
Sa pamamahala nina dating PBA player Biboy Simon at Mark Edison Ordonez, nakamit ng PCU Dolphins ang titulo sa pagwalis sa four-team, one-round invitational league na inorganisa ng AUBL at AGYBC.
Kinatawan ng Dolphins ang Pilipinas matapos makuha ang National Youth Basketball League (NYBL) Pilipinas 1st John Yap Cup Season 7 Championship na inorganisa ni basketball coach Fernando Arimado.
Ang paglahok ng koponan ay naging posible sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga opisyal at sponsor ng PCU na kinabibilangan nina Rev. Rannieh B. Mercado, PCU president Dr. Junifen F. Gauuan, Dr. Margie DG Dela Cruz, Dr. Joselito Dela Cruz, Dr. Mario G . Miranda II, Dr. Ariel D. Pineda, Dr. Russwell G. Gariando, Dr. Putli Martha Beata F. Ijiran, Rosemarie S. Cinco at Samie G. Dizon
Ang PCU Dolphins ay binubuo nina Castor Troy Manipolo, Christian Austria, Kenneth Obioha, Derek Daluz, Dan Gelo Pascua, Solomon Itam, Wesley Dulay, Llonel Failon, Clinton Mallabo, Jazper Ong, John Mark Bautista, at Hance Ivan Lleva.
Samantala, sisiklab ang NYBL Nationals sa Oktubre 4 sa Ynares Sports Arena at Marist School-Marikina gymnasium .
Ang mga kalahok na koponan na kumakatawan sa NCR, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas at Luzon.