MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Barangay Ginebra head coach Tim Cone sa solidong suporta ng fans na hindi bumitiw sa bawat laban ng Gin Kings.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gin Kings para makapasok sa best-of-seven semifinal series ng PBA Governors’ Cup.
Matatandaang lumasap ang Ginebra ng 49 puntos na pagkatalo sa San Migue Beer kamakailan.
Subalit hindi nawalan ng pag-asa ang mga fans na todo suporta pa rin sa kanilang mga laban.
“It’s great, and I’m glad we performed this way in front of the fans on a Saturday night,” ani Cone.
Nakuha ng Ginebra ang Game 2 laban sa Meralco nang kubrahin nito ang makapigil-hiningang 104-103 panalo para umangat sa 2-0 sa best-of-five quarterfinal series.
Dahil sa fans, mas naging determinado si Justin Brownlee na siyang bumanat ng game-winning three-point shot para makuha ng Gin Kings ang panalo.
“The last time we played on Sunday night, when we played San Miguel, had a nice crowd, and we brought them down, (so) it was great to hung around and have a good game nwith the fans. They were the sixth man,” ani Cone.
SInabi ni Cone na nakakuha ng inspirasyon ang Gin Kings sa malalakas na hiyawan ng mga fans.
“We felt when they (Bolts) were trying to get the game out of reach, we came back, made big plays, and the crowd go crazy. They were very effective tonight,” dagdag ni Cone.