NEW YORK — Nakumpleto na ng Knicks ang isang blockbuster trade para mahugot si center Karl-Anthony Towns mula sa Minnesota Timberwolves kapalit nina Julius Randle, Donte Divicenzo at isang first-round pick galing sa Detroit Pistons.
Kasama rin sa kasunduan ang pagbibigay ng Knicks ng salary at draft compensation sa Charlotte Hornets na tumulong sa negosasyon.
Humataw si Towns ng mga averages na 21.8 points at 8.3 rebounds sa nakaraang season kung saan sinibak ng Timberwolves ang dating kampeong Denver Nuggets sa Game Seven ng Western Conference Finals.
Ngunit napatalsik ang Minnesota sa Game Five ng Dallas Mavericks sa West Finals.
Sa pagdating ni Towns sa New York ay makakasama niya sina superstar guard Jalen Brunson at offseason acquisition Mikal Bridges.