Cone hanga kay Abarrientos

Ginebra's RJ Abarrientos
PBA Images

MANILA, Philippines — Saludo si Barangay Ginebra head coach Tim Cone sa matikas na laro ni RJ Abarrientos partikular na sa nakalipas na dalawang laro nito.

Mataas ang tiwala ni Cone sa kakayahan ni Abarrientos na kaya nang gumawa ng malalaking puntos sa mga laro ng Gin Kings.

“We’re making kind of a big deal of RJ’s first player of game, but it’s not gonna be his last, he’s gonna have a lot of these. He’s quickly become a role model already.  He plays like a veteran. He doesn’t play like a young player,” ani Cone.

Hindi naman sinasayang ni Abarrientos ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng coaching staff matapos magpasabog ng 24 puntos, limang rebounds at limang assists sa 112-96 panalo ng Gin Kings sa Phoenix sa PBA Governors’ Cup noong Miyerkules sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang panalo ang nagdala sa Gin Kings sa playoffs tangan ang 6-3 rekord.

“Right now, I’m just really proud of him, and grabbing hold of his role off the bench. He started the first couple games, and we just had Maverick Ahanmisi into mix when he’s playing well,” dagdag ni Cone.

Malaking tulong kay Abarrientos ang karanasan nito sa Korean Basketball League kung saan naglaro ito para sa Ulsan Hyundai Mobis Phoebus.

Nasilayan din sa aksyon si Abarrientos kasama ang Shinshu Brave Warriors sa Japan B.League.

“RJ is not a real rookie in the real sense because he’s been in Korea, and been in Japan, and has played high, high basketball already. Thus this is not new to him,” ani Cone.

Handa naman si Abarrientos na tanggapin anuman ang ibigay na asignatura sa kanya ng coaching staff upang makatulong sa Gin Kings.

Show comments