^

PSN Palaro

San Beda sosolohin ang No. 2 spot

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itutuloy ng nagdedepen­sang San Beda University ang kanilang arangkada sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Sasagupain ng Red Lions ang Generals ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang salpukan ng Letran Knights at Arellano Chiefs sa alas-11 ng umaga.

Solo ng St. Benilde ang liderato bitbit ang 3-0 baraha sa itaas ng San Beda (2-1), Perpetual (2-1), San Sebastian (2-1), Mapua (2-1), Letran (1-1), EAC (1-2), Lyceum (1-2), Arellano (0-2) at Jose Rizal (0-3).

Tumipa ang Red Lions ng 85-75 panalo sa Stags, habang nakatikim ang Generals ng 55-77 kabiguan sa Blazers sa kanilang mga huling laro.

Sa nasabing tagumpay ng San Beda ay naglista si rookie guard Bryan Sajonia ng career-high 26 points bukod sa 8 rebounds, 4 assists, 2 steals at 1 block at may 21 markers si center Yukien Andrada tampok ang limang three-point shots.

Sa unang laro, ang ikalawang dikit na ratsada ang hangad ng Knights sa pakikipagtuos sa Chiefs.

Tinusok ng Letran ang 70-62 panalo sa Jose Rizal sa huling laro.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with