Lassiter gagawa ng PBA history

MANILA, Philippines —  Inaasahang gagawa ng kasaysayan si San Miguel outside sniper Marcio Lassiter ngayong gabi sa PBA Season 49 Governors’ Cup.

Tatlong three-point shots na lang kasi ang kailangan ng Fil-Am shooting guard para ungusan si PBA great Jimmy Alapag bilang all-time leading three-point scorer.

“I think it will be a good opportunity to hopefully make two and then go from there. But I’ve got to get one first,” wika ng 37-anyos na si Lassiter na nagsalpak ng limang tres sa 139-127 panalo ng Beermen sa Phoenix Fuel Masters noong Biyernes.

Mayroon ngayong 1,248 triples ang 10-time PBA champion player para lumapit sa PBA record na 1,250 triples ni Alapag.

Nakatakdang labanan ng San Miguel (5-2) ang Barangay Ginebra (5-2) ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Blackwater (3-4) at Phoenix (0-7) sa alas-5 ng hapon sa Group B sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang nilampasan ng 13-year veteran sniper sina PBA legend Allan Caidic (1,242 triples), Ginebra guard LA Tenorio (1,218 triples) at two-time MVP James Yap (1,194 triples).

Show comments