Que bumida sa paghahari ng FCVBA

Ang miyembro ng FCVBA team sa pangunguna ni Rain or Shine co-team owner Terry Que na naghari sa 33rd ASEAN Seniors Basketball Tournamen na ginanap sa Malaysia.

MANILA, Philippines -- Kinumpleto ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) ang four-game title sweep matapos talunin ang Hatyai ng Thailand, 62-40, para pagharian ang 70-and-above division ng 33rd ASEAN Seniors Basketball Tournament sa Miri, Malaysia.

Bumandera si Rain or Shine co-team owner Terry Que kasama sina dating national player Benjie Poblete at Andrew Ongteco para dominahin ang torneo.

Humataw ang 74-anyos na si Que ng 16 points at nakatuwang sina Poblete at Ongteco sa kampanya ng FCVBA team sa week-long tournament para sa mga players na may Chinese blood.

Sinuportahan nina Que at Ironcon Builders big boss Jimi Lim, ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Achit Kaw, James Chua, Alberto To, Macario Co at Sesinando Santos.

Binuksan nila ang kampanya sa 35-26 paggiba sa Sarawak’s Hornbill bago isinunod ang Kuala Lumpur Club, 62-51 at ang Meteor Pontianak, 43-25.

Naglahok lamang ang FCVBA ng tropa sa isang age division kumpara noong mga nakaraang taon.

Show comments