Barrios guest of honor sa PBAPC Awards Night

MANILA, Philippines — Si dating PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios ang magiging guest of honor at keynote speaker sa 30th PBA Press Corps Annual Awards Night sa Setyembre 24 sa Novotel Manila.

Muling makakasama ni Barrios ang kanyang PBA family sa nasabing two-hour, formal gathering kung saan pararangalan ang mga top achievers ng Season 48.

Si Barrios, nagsilbing deputy commissioner sa namayapang si PBA Commissioner Emilio ‘Jun’ Bernardino bago pamunuan ang liga noong 2008.

Matapos iwanan ang PBA noong 2010 ay naging Exe­cutive Director si Barrios ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) hanggang sa kanyang pagreretiro ngayong taon.

Pararangalan ni Barrios kasama ang Press Corps na pinamumunuan ni pangulong Vladi Eduarte ng Abante Group of Publishing ang mga top performers ng nakaraang season.

Nasa itaas ng honor roll ang tatanggap sa Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award kasama ang Danny Floro Executive of the Year award.

Sa ikalawang pagkakataon sa 30-year history ng Awards Night ay ibibigay ang isang Lifetime Achievement Award ng mga nagkokober ng PBA beat.

Ang iba pang awards na ipapamahagi ay ang President’s Award, Defensive Player of the Year, Bogs Adornado Comeback Player of the Year, Scoring Champion, Mr Quality Minutes, All-Rookie Team, Game of the Season at Order of Merit.

Show comments