Stags tinakasan ang Pirates

MANILA, Philippines — Sumosyo ang San Se­bastian College-Recoletos sa liderato matapos u­ngusan ang Lyceum of the Philippines University, 95-93, sa NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Inilista ng Stags ang 2-0 record para makasama sa itaas ng team standings ang St. Benilde Blazers, habang lagapak ang Pirates sa 0-2.

Kumolekta si guard Paeng Are ng 25 points, 13 assists at 8 rebounds para muling banderahan ang San Sebastian sa ikalawang dikit na panalo matapos ang 91-84 come-from-behind win sa Letran.

Umiskor si Raymart Escobido ng 23 markers habang may 14 points at 15 rebounds si Tristan Felebrico para sa tropa ni coach Arvin Bonleon.

Isang 12-0 bomba ang inihulog ng Stags sa dulo ng fourth period para agawin ang 95-93 abante matapos iwanan ng Pirates sa 83-93 sa huling 1:23 minuto.

Nagkaroon ng tsansa ang Lyceum na agawin ang panalo kundi lamang nagmintis si Mac Guadana.

Bumira si Ato Barba ng career-high 25 points sa panig ng Pirates at may 13 at 12 markers sina JM Bravo at Guadana ayon sa pagkakasunod.

Samantala, umeskapo ang Mapua sa Emilio Aguinaldo College, 69-66.

May magkatulad na 1-1 kartada ngayon ang Cardinals at Generals.

Show comments