EST Cola ‘di nakaporma sa Cool Smashers

Nagdagdag si Bernadeth Pons ng 10 mar­kers habang may walong puntos si American import Erica Staunton para sa 1-0 record ng Cool Smashers.
PVL Media Bureau

MANILA, Philippines — Bumanat si Michele Gumabao ng 14 points mula sa 12 attacks, isang block at isang service ace para igiya ang Creamline sa 25-13, 25-12, 25-15 pagsalya sa EST Cola sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Nagdagdag si Bernadeth Pons ng 10 mar­kers habang may walong puntos si American import Erica Staunton para sa 1-0 record ng Cool Smashers.

Kagagaling lang ng Creamline sa pagwawagi sa nakaraang PVL Reinforced Conference kung saan nila dinaig ang Akari Chargers para sa pang-siyam na korona.

“Siyempre, masaya ako at kahit hindi kami nakapag-training kahapon (Huwebes) maganda pa din ang inilaro namin,” ani coach Sherwin Meneses na nakahugot kay setter Kyle Negrito ng 15 excellent sets.

Ginamit ng Cool Sma­shers ang kanilang pagi­ging beterano para ihulog ang EST Cola, binubuo ng under-20 national team ng Thailand, sa ikalawang dikit na kabiguan.

Samanala, tinalo ng Cignal HD ang Farm Fresh, 25-16, 25-10, 25-18.

Show comments