MANILA, Philippines — Minalas si Pinay para archer Agustina Bantiloc sa knockout stage ng women’s individual archery event sa 17th Paris Paralympic Games.
Ito ay matapos siyang matalo kay Brazilian veteran Jane Karla Gogel, 127-143, sa 1/16 Elimination Round.
Lumaban nang sabayan si Bantiloc kay Gogel na isang four-time Parapan American Games gold medalist at tumapos bilang fifth seed sa overall ranking round.
Pumana si Bantiloc ng iskor na 25 sa first round, habang may 29 naman si Gogel.
Naglista ang Pinay bet ng 28 sa second round para makalapit sa Brazilian.
Ngunit nangibabaw ang eksperyensa ni Gogel matapos maglista ng back-to-back na 29 kumpara sa 24 at 27 ni Bantiloc sa third at fourth round, ayon sa pagkakasunod.
Sa final round ay tumudla si Bantiloc ng 23, samantalang may 27 si Gogel para tuluyan nang angkinin ang panalo at makaabante sa susunod na round.