Susi ng house and lot natanggap na ni Yulo

Si Paris Olympics double gold Caloy Yulo sa kanyang P32 milyon na house and lot.

MANILA, Philippines — Natanggap na ni gymnast Carlos Yulo ang susi ng house and lot na bahagi ng milyun-milyong incentives na natanggap nito sa pagkakapanalo ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics.

Nagkakahalaga ang house and lot ng P6 mil­yon na bigay ng Century Pro­perties Group bilang pabuya sa karangalang ibinigay ni Yulo sa bansa.

Malaki naman ang pa­sasalamat ni Yulo sa mga biyayang natatatanggap nito.

“This is it. We made it. My dream to win gold in the Olympics motivated me, and I am thankful that I did not give up and lost faith in God. I’m thankful for the discipline to train every day, even when I felt like giving up,” ani Yulo.

Nangako si Yulo na mas lalo pa itong magsisikap upag mabigyan ng karangalan ang bansa.

Pakay ni Yulo na madepensahan ang kanyang korona sa men’s floor e­xercise at men’s vault sa 2028 edisyon ng Olympic Games na idaraos sa Los Angeles, California.

Inaasahang matatapos ang brand-new house sa Marso sa 2025.

Itatayo ito sa Batulao, Batangas. Mayroon itong tatlong kwarto at dalawang bathroom na may laking 70sqm na floor area at 136sqm lot area.

Nagbigay rin ang CPG ng P500,000 donasyon para naman sa programa ng Gymnastics Associa­tion of the Philippines (GAP).

“This donation will greatly benefit the grassroots gymnasts I work with about a hundred young athletes aspiring to achieve greatness like Carlos,” ani GAP President Cynthia Carrion.

Show comments