Pilipinas hindi malilimutan ni Tushova

Marina Tushova.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Maraming maiiwang magagandang alaala si Capital1 Russian import Marina Tushova sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Kaya naman malungkot ito sa kanyang paglisan dahil hindi nito makakali­mutan ang kanyang ma­gan­­dang karanasan sa Pilipinas kasama ang mga Pinay volleybelles.

Makailang ulit na binasag ni Tushova ang scoring record sa PVL para maitarak ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng liga.

Sa kanyang huling laro, itinarak ni Tushova ang 50 puntos upang wasakin ang PVL scoring record sa ikatlong pagkakataon.

Maliban dito, hindi rin malilimutan ni Tushova ang magandang work ethics ng mga Pilipino. Partikular na ang pagiging masayahin ng mga Pilipino sa kabila ng matinding pagsubok.

At nais ni Tushova na dalhin ang magandang experience nito sa Pilipinas saan man ito magpunta.

“You Filipino taught me this, you can enjoy, and you can work hard. You can smile and work at the same time. I hope to keep it, and I need to keep it. When you go to another atmosphere, I exactly need to keep it. I want to keep that Filipino part,” ani Tushova.

Natulungan ni Tushova ang Capital1 na makapasok sa quarterfinals.

Subalit natalo ang kanilang tropa sa Cignal HD Spikers upang tuluyan nang mamaalam sa kontensiyon.

Show comments