Gilas Women sibak sa pre-qualifiers

MANILA, Philippines —  Tuluyan nang nagtapos ang kampanya ng Gi­las Pilipinas Women sa FIBA Women’s Basketball World Cup Pre-Qualifying Tournament matapos yu­mu­kod sa Senegal, 62-87, noong Huwebes ng gabi sa Kigali, Rwanda.

Ito ang ikatlong sunod na kamalasan ng mga Pi­nay cagers sa torneo.

Nauna nang natalo ang Gilas Women sa World No. 8 Brazil, 74-77, bago mi­nalas sa Hungary, 60-97.

Ito ang unang pagsabak ng bansa sa Women’s World Cup pre-qualifiers sa labas ng nilalaruang FIBA Asia zone.

Kumamada si veteran center Jack Animam ng 15 points, six6 rebounds at 2 steals laban sa Senegal, habang nagdagdag si Naomi Panganiban ng 14 mar­kers.

Winalis naman ng Se­negal ang tatlong laro sa group stage papasok sa semis.

Show comments