No. 8 spot target ng Choco Mucho

Choco Mucho
PVL

MANILA, Philippines — Wala nang ibang nasa isip ang Choco Mucho kundi ang talunin ang PLDT para makasama sa eight-team quarterfinals cast ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Sasagupain ng Flying Titans ang High Speed Hitters ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang banggaan ng nagdedepensang Petro Gazz Angels at Chery Tiggo Crossovers sa alas-5 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Sa unang laro sa ala-1 ng hapon ay magkikita ang Creamline Cool Smashers at talsik nang ZUS Coffee Thunderbelles sa ala-1 ng hapon.

Nasa quarterfinals na ang Akari (8-0), Cignal HD (7-1), Creamline (5-2), PLDT (5-2), Chery Tiggo (5-2), Capital1 Solar Energy (5-3) at Petro Gazz (4-3).

Pinag-aagawan naman ng Farm Fresh (3-5) at Choco Mucho (2-5) ang pang-walo at huling tiket.

Kung mananalo ang Flying Titans sa High Speed Hitters ay magtatabla sila ng Foxies.

Ngunit masisikwat ng Choco Mucho ang No. 8 berth laban sa Farm Fresh dahil sa kanilang mas mataas na FIVB tiebreak score.

Sa quarterfinals ay ha­harapin ng No. 1 team ang No. 8, makakatapat ng No. 2 ang No. 7, lalabanan ng No. 3 ang No. 6 at sasagupain ng No. 4 ang No. 5.

Show comments