Villegas ‘di ininda ang mga injuries

MANILA, Philippines — Tiniis ni Aira Villegas ang kanyang mga injuries para masuntok ang bronze medal sa women’s flyweight division ng nakaraang 2024 Paris Olympics.

Ito ang ibinunyag ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) secretary-general Marcus Jarwin Manalo kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

“Ang dami (injuries), may shoulder tendinopathy, mild ACL sprain, compartment syndrome sa left foot,” sabi ni Manalo sa mga injury ni Villegas na hindi nag-ensayo isang buwan bago ang Paris Games.

Sa aktuwal na labanan ay sumasakit ang tuhod, paa at balikat ng 29-anyos na si Villegas.

Ngunit binalewala ito lahat ni Villegas para sa ka­una-unahan niyang Olympic stint.

“Big competition na ito, so ang focus ko doon is to get a medal,” ani Villegas.

Show comments