Alas Men bigo sa Indonesia

MANILA, Philippines — Bigo ang Alas Pilipinas na maiposte ang ikalawang sunod na panalo sa Leg 1 ng 2024 Southeast Asian Men’s V.League matapos yumukod sa two-time champion Indonesia, 25-23, 19-25, 11-25, 21-25, kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nauna nang humataw ang mga Pinoy spikers ng 25-21, 25-22, 18-25, 25-23 panalo sa Vietnam noong Biyernes.

May 1-1 record ngayon ang mga Pinoy spikers kagaya ng mga Indonesians sa four-nation, three-day meet na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni president Ramon “Tats” Suzara.

Nakatakdang harapin ng Alas Pilipinas ang Thailand ngayong alas-6 ng gabi.

Samantala, hinataw ng Thailand ang 2-0 kartada matapos ang 27-25, 29-27, 25-15 paggupo sa Vietnam para sa tsansa sa gold medal.

Muling bumandera sina Bhinijdee Napadet, Nilsawai Kissada at T­hungkham Chaiwat para sa mga Thais na unang binugbog ang mga Indonesians via straight set noong Biyernes.

Show comments