Thailand nagparamdam agad, Indonesia niyanig

Iniskoran ng Thailand player ang player ng indonesia sa aksyong ito sa 2024 Southeast Asian Volleyball League.
PNVF photo

MANILA, Philippines — Ginulat ng Thailand ang two-time cham­pions Indonesia, 25-21, 25-23, 25-20, sa Leg 1 ng 2024 Southeast Asian Volleyball League kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Humataw si Thungkham Chaiwat ng 13 points mula sa siyam na attacks, tatlong blocks at isang service ace sa pagsisimula ng four-nation, three-day event.

Mabigat na net defense ang ipinalasap ng mga Thais sa mga Indonesians tampok ang apat ni 6-foot-8 middle blocker Nilsawai Kissada sa kabuuan nilang 14 blocks.

Tumapos si Kissada na may 11 markers.

Pinamunuan ni opposite hitter Anggara Agil Angga ang Indonesia sa kanyang 18 points mula sa 15 attacks, dalawang aces at isang block.

Sasagupain ngayo ng Thailand ang Vietnam target ang ikalawang sunod na panalo.

Show comments