^

PSN Palaro

Philippines Paralympic team target ang gold

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang mata­gumpay na kampanya ng Team Philippines sa nakaraang 2024 Olympic Games ay pipilitin naman itong maduplika ng anim na atleta sa Paralympic Games.

Pupuntirya ng kauna-unahang Paralympic gold medal ng Pilipinas sina swimmers Ernie Gawilan at Angel Otom, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, javelin thrower Cendy Asusano, archer Agustina Bantiloc at taekwondo jin Allain Ganapin.

Nakatakda ang 2024 Paris Paralympic Games sa Agosto 28 hanggang Setyembre 8.

Hindi pa nananalo ang Pinas ng gold medal sa pagsalang sa nasabing quadrennial event para sa mga athletes with di­sabilities simula noong 1988 edition sa Seoul, Korea.

Ang dalawang bronze medals nina powerlifter Adeline Dumapong noong 2000 at table tennis player Josephine Medina noong 2016 ang tanging mga medalya ng bansa sa Paralympic Games.

Ito ang ikatlong Paralympic Games stint nina Gawilan at Mangliwan, habang ito ang ikalawa ni Ganapin.

vuukle comment

PARALYMPIC GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with