^

PSN Palaro

Obiena reresbak!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena reresbak!
Philippines' Ernest John Obiena competes in the men's pole vault final of the athletics event at the Paris 2024 Olympic Games at Stade de France in Saint-Denis, north of Paris, on August 5, 2024.
AFP / Kirill Kudryavtsev

MANILA, Philippines — Matapos ang masaklap na kampanya sa Paris Olympics, sesentro na ang atensiyon ni pole vaulter EJ Obiena sa mga nalalabing torneong lalahukan nito ngayong taon.

Sa kanyang post sa social media, sinabi nitong hindi matitibag ang kanyang determinasyon ng isang kampanya.

Sa halip, magiging motibasyon ito upang buma­ngon at harapin ang mga susunod na laban nito.

“The measure of a man or woman is NOT a singular event—like the Olympics—but a cumulative or collective measure over time,” ani Obiena.

Nagkasya lamang si Obiena sa ikaapat na puwesto sa Paris Olympics.

Bago pa man tumulak papuntang France, isa na si Obiena sa mga paboritong makapagbulsa ng medalya sa kanyang event.

Subalit bigo ito sa kanyang laban matapos ang fourth-place finish sa Paris Games.

“I finished 4th in Paris, close but not good enough. I am not measured by this. I am measured by my career,” ani Obiena.

Handa si Obiena na bumalik ng malakas upang muling bigyan ng karangalan ang bansa.

“I commit to everyone now, I am back in training, I am back in the game, and I am going to attack the rest of the season and make you proud,” ani Obiena.

Ipinangako ni Obiena na muli nitong iwawagayway ang bandila ng Pilipinas sa mga international competitions.

“You are going to see more from me, and see the Philippine Flag raised and raised on a global stage. Let’s get on with it!” dagdag nito.

Nakuha ni world cham­pion Armand Duplan­tis ng Sweden ang gintong medalya tangan ang bagong Olympic at world record habang puma­nga­lawa naman si Sam Kendricks ng Amerika at ikatlo si Emmanouil Karalis ng Greece.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->