^

PSN Palaro

Kampanya ng Team Philippines sa Paris Olympics tagumpay

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Kampanya ng Team Philippines sa Paris Olympics tagumpay
Carlos Yulo.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Kasabay ng pagdiriwang ng Pilipinas sa ika-100 partisipasyon sa Olympic Games ay ang pagguhit ng kasaysayan ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa 2024 edition sa Paris, France.

May kontribusyon ding medalya sina lady boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas sa matagumpay na kampanya ng Team Philippines sa quadrennial event.

Inangkin ng 24-anyos na si Yulo ang kauna-unahang dalawang gold medals ng bansa sa Olympics matapos pagharian ang men’s floor exercise at vault events sa Bercy Arena.

“Ito na po iyong ultimate goal. Wala na po ako hinihiling na iba ngayon,” sabi ng tubong Leveriza, Malate na walang nakuhang medalya sa una niyang pagsabak sa Olympics noong 2021 sa Tokyo, Japan.

Sa nasabing edisyon binuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold ng Pilipinas nang magreyna sa women’s 55-kilogram division.

Si Diaz din ang tuma­yong ate ni Yulo habang naroon sila.

“I-enjoy mo ang bunga ng pinagpaguran mo. At lagi mong ibabalik sa Diyos at bayan dahil lahat ng tagumpay natin ay hindi pansarili,” wika ng 33-anyos na si Diaz sa gymnast.

Bagama’t siya ang itinuturing ngayong ‘greatest’ Pinoy athlete ay pursigido pa rin si Yulo na kumuha ng ginto sa 2028 Olympics sa Los Angeles, USA.

“Hindi pa ako titigil. Gusto ko pang mag-Olympics sa 2028 sa LA and I’ll do my best sa training and next challenges pa next time,” ani Yulo na magiging 28-anyos sa LA Olympics.

Nakuntento naman sina Petecio at Villegas sa bronze matapos ma­talo sa semifinals ng women’s 57kg at 50kg clas­ses, ayon sa pagkaka­sunod.

Minalas rin sa medalya sina Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa men’s 57kg quarterfinals at Tokyo Olympics bronze medal winner Eumir Felix Marcial sa men’s 80kg round-of-16.

Samantala, hindi man nakahablot ng medalya ay malaking lundag ang ginawa ni World No. 2 EJ Obiena makaraan ang fourth-place finish sa men’s pole vault mula sa No. 11 spot noong Tokyo Games.

Bigo ring maka-me­dalya sina gymnasts Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Malabuyo, weightlifters Elreen Ando, Vanessa Sarno at John Ceniza, swimmers  Jarod Hatch, boxer Hergie Bacyadan, fencer Sam Catantan, rower Joanie Delgaco at judoka Kiyomi Watanabe.

Sa kabila nito ay nakapagtala pa rin ng mga bagong Philippine records

Dumulas kay Pagda­nganan, ang No. 36 sa Olympic ranking ng International Golf Federation, ang bronze medal nang tumapos sa fourth place sa kanyang hinataw na 6-under-par, 282 total.

Tumabla naman si Ardina sa No. 13 sa kanyang 285 total.

Sa kabuuan ng kani­lang kampanya sa 2024 Paris Olympics ay humakot ang 22-strong Team Philippines ng dalawang golds at dalawang bronzes.

Sapul nang sumali sa Olympics noong 1924 na idinaos sa Paris ay nakakolekta na ang Pinas ng 3-5-8 (gold-silver-bronze) medals.

“Answered prayers. We already broke the record in the Olympics,” ani Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

vuukle comment

YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with