PARIS – Ang pag-angkin ni gymnast Carlos Yulo sa gold medal sa men’s floor exercise ang nagpatunay sa tinatawag na “formula” ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino para sa paghulma ng isang Filipino Olympic at world champion.
“Caloy has again proven that a Filipino can win in the Olympics with the right ingredients and formula and through the proper process,” wika ni Tolentino bago tumarget si Yulo ng kanyang ikalawang gold medal sa men’s vault kung saan paborito siyang manalo matapos kunin ang world championships title noong 2022.
“Gone are the anecdotal ways of training athletes for the global stage,” sabi ng POC chief. “Today, you have a platoon of coaches on your team, plus years on the production line.”
Kinailangan ni Hidilyn Diaz-Naranjo ng tamang “formula” matapos ang apat na Olympic para makamit ang kauna-unahang Olympic gold ng bansa sa Tokyo noong 2021.
Sa kanyang kampo ay mayroon siyang main o head coach, assistant coach, strength and conditioning coach, nutritionist, physiotherapist at psychologist. Mula sa isang inosenteng wildcard sa Beijing noong 2008 ay bigo si Diaz-Naranjo sa London noong 2012 bago mabuhat ang silver sa Rio de Janeiro, Brazil noong 2018.
“Caloy, basically, went through all of that, and both Caloy and Hidilyn have the scars of battle in numerous international competitions,” ani Tolentino. “This is the tried and tested formula for Olympic success.”