Sinag patok sa Paris Olympics

The Filipino athletes are wearing the "Sinag" barong designed by Francis Libiran.
Photos/Instagram

MANILA, Philippines — Nakakuha ng magandang review ang barong tagalog na isinuot ng Team Philippines sa opening ceremony ng 2024 Paris Olympics noong Sabado sa Seine River sa Paris, France.

Tinawag na Sinag ang barong na ginamit ng Pinoy athletes sa parada kung saan agaw atensiyon ito sa mga manonood maging sa ibang mga atletang nakasama ng delegasyon.

Kaya naman pasok ang Sinag barong sa Top 10 best outfits sa 2024 Paris Olympics opening ceremony.

Isang magazine sa Ame­rika ang kumilala sa Sinag barong bilang ‘showstopper.’

Gawa ng mahusay na designer na si Francis Libiran ang naturang Sinag barong.

Nakakuha ito ng magagandang komento mula sa iba’t ibang bansa dahil sa magandang disenyo nito.

“The ‘Sinag’ barong by Filipino fashion designer Francis Libiran is a showstopper! This gorgeous and detailed outfit is the chicest way to make an entrance at the Olympic Games,” ayon sa magazine na Out.

Nanguna sa Team Phi­lippines sina boxers Carlo Paalam at Nesthy Petecio na siyang flag bearers ng bansa.

Kasama rin sa mga kinilala sa Top 10 outfits sa Paris Olympics opening ceremony ang mga suot ng Haiti, Mongolia, Taiwan, the Czech Republic, Turkey, Mexico, Australia, the United States at host France.

Show comments