Pilipinas Born 2006 at 2004 naka-sweep

MANILA, Philippines —  Winalis ng mga koponan ng Pilipinas ang elimination round papasok sa semifrinals ng Pilipinas Super Liga (PSL) Global Championship Challenge.

Dumiretso sa pang-limang sunod na panalo ang mga koponan ng Pinas sa Born 2006 at Born 2004 divisions para kumpletuhin ang sweep sa single round elimination.

Tutulak na walang bahid sa kanilang kartada ang Pi­lipinas-Cebu sa Born 2006 at Pilipinas-Davao NTB Wolves sa Born 2004 matapos talunin ang kanilang ka­laban kahapon sa Victoria Sports Club sa Quezon City.

Kinuha ng Pilipinas-Cebu ang 54-47 panalo kontra sa Thailand-Traill International School.

Kumabig si Fritz Gonzales ng 22 points at 10 rebounds para banderahan ang mga Cebuano cagers.

Lalabanan ng Pilipinas-Cebu sa semifinals ang Ca­nada-GIGG ngayong alas-2:30 ng hapon.

Samantala, pinatumba ng Davao-NTB Wolves ang UK-KAMPI Basketball, 77-57, papasok sa Final Four ng Born 2004 na wala ring mantsa ang record sa 5-0.

Pinangunahan ni PSL Nationals Finals Most Valuable Player Eimrod John Rodulfa ang Pilipinas Born 2004 sa kanyang 16 points at 5 assists.

Show comments