^

PSN Palaro

Big City overall championship sa Palaro

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagumpay na nadepensahan ng National Capital Region (NCR) ang overall championship crown sa 2024 Palarong Pambansa na pormal nang nagtapos kahapon sa Cebu City.

Ito ang ika-17 sunod na kampeonato ng Big City sa naturang annual sporting event.

Nakalikom ang NCR ng kabuuang 98 ginto na na­ging sandalan nito para muling masungkit ang u­nang puwesto.

Kasama pa nito ang 66 pilak at 74 tanso para sa kabuuang 238 medalya.

Pumangalawa ang Ca­labarzon Region na may kabuuang 57 ginto kasama ang 51 pilak at 53 tanso habang pumangatlo naman ang Western Visayas Region na may 56 ginto, 41 pilak at 41 tanso.

Nasa ikaapat na posis­yon naman ang Davao Region na may 32-25-35 kasunod ang host Central Visayas na may 25-37-45.

Itinanghal na Most Bemedalled Athlete si Albert Jose Amaro ng Calabarzon na humakot ng pitong ginto sa swimming competitions.

Magarbo ang kampan­ya ng incoming Grade 12 student sa San Beda Taytay na humarurot sa se­condary boys class kabilang ang huling ginto na nakamit nito sa 4x100m freestyle relay.

Kasama ni Amaro sa pagkopo ng ginto sa relay sina Eric Umali, Kevin Arguzon at Nimrod Montera.

Naghari rin si Amaro sa 200m freestyle, 50m freestyle, 100m butterfly, 4x100m medley relay, 100m freestyle at 50m butterfly events.

Nagtala si Amaro ng bagong rekord sa 50m butterfly tangan ang 25.25 segundo at sa 100m butterfly bitbit ang 56.50 segundo.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with