Sino ang tatanghaling no. 1 overall pick
Season 49 PBA Rookie Draft ngayon
MANILA, Philippines — Nagsimula na kahapon ang trade ng ilang PBA teams bago ang Season 49 PBA Rookie Draft ngayong hapon sa Ayala Malls Glorietta Activity Center sa Makati City.
Napasakamay ng Barangay Ginebra ang No. 3 overall pick ng Terrafirma kapalit ng kanilang bitbit na No. 10 selection matapos ibigay sina veterans Christian Standhardinger at Stanley Pringle para mahugot sina Stephen Holt at Isaac Go.
Ang Converge FiberXers ang maghihirang sa No. 1 overall pick kasunod ang Blackwater Bossing (No. 2), Gin Kings (No. 3), Phoenix Fuel Masters (No. 4), NorthPort Batang Pier (No. 5), NLEX Road Warriors (No. 6), Rain or Shine Elasto Painters (No. 7 at 8), Magnolia Hotshots (No. 9), Dyip (No. 10), Meralco Bolts (No. 11) at San Miguel Beermen (No. 12).
Sa mga nakaraang PBA Draft ay nagkakaroon ng palitan ng mga picks at players ang 12 koponan sa araw mismo ng nasabing event.
Tiyak na pag-aagawan sa first round sina prospective top pick Justine Baltazar, Fil-Am guard Sedrick Barefield, dating Ateneo big man Kai Ballungay, Caelan Tiongson, RJ Abarrientos, Jerom Lastimosa, Evan Nelle, CJ Cansino at Jonnel Policarpio.
“It’s going to be a strong first round, I think. The draft is really very strong. I think there’s going to be 12 players in that draft that can really impact the league,” ani Ginebra coach Tim Cone.
Magsisimula ang drafting sa alas-4 ng hapon.
Sa second round ay hawak ng Rain or Shine ang No. 13, 16 at 20 picks, habang nasa Converge ang No. 19, 21 at 24 at pipili ang Ginebra ng No. 17 at 22.
May isa pang draft pick ang RoS sa third round.
- Latest