SAN FRANCISCO — Magkakaroon na ng bagong katambal si Stephen Curry sa Golden State Warriors.
Ito ay matapos kunin ng Warriors si free agent shooting guard Buddy Hield sa isang sign-and-trade deal sa Philadelphia 76ers.
Pipirma si Hield sa isang two-year, $21 million contract sa Golden State, binitawan si Klay Thompson na kapartner ni Curry bilang ‘Splash Brothers’.
Para makuha si Hield, isa ring matinik na three-point shooter, ay ibibigay ng Warriors sa 76ers ang kanilang 2031 second-round pick na nakuha nito sa Dallas Mavericks sa sign-and-trade kay Thompson.
Nagtala si Hield ng mga averages na 12.1 points, 3.2 rebounds at 2.8 assists para sa Philadelphia at Indiana Pacers sa nakaraang season.
Nauna nang pinapirma ng Golden State sina guard De’Anthony Melton at forward Kyle Anderson.
Ito ay matapos pakawalan ng Warriors sina Thompson at Chris Paul na lumipat sa Dallas at San Antonio, ayon sa pagkakasunod.