PNVF tiwala sa lakas ng Alas Pilipinas

MANILA, Philippines —  Mahalaga para sa Alas Pilipinas Women ang ka­nilang unang laro sa 2024 FIVB Women’ Volleyball Challenger Cup.

Kailangan kasing talu­nin ng mga Pinay spikers ang bisitang Vietnam sa knockout quarterfinals sa win-or-go-home format ng torneong nakatakda sa Hulyo 4 hanggang 7 sa Ni­noy Aquino Stadium sa Ma­late, Manila.

“It’s tough on Day 1 for Alas Pilipinas, but we’re ve­ry sure they’ll give the Viet­namese a tough fight,” sabi ni Philippine National Vol­ley­ball Federation (PNVF) pre­sident Ramon “Tats” Su­zara.

Nakatakda ang duwelo ng mga Pinay at Vietna­mese spikers sa Hulyo 5 sa alas-6:30 ng gabi matapos ang laro ng Czech Republic at Argentina sa alas-3 ng hapon.

Sa Hulyo 4 magtutuos ang Puerto Rico at Kenya sa alas-3 ng hapon kasunod ang laban ng Belgium at Sweden sa alas-5.

Ang mga mananalo ang aabante sa semifinals pa­tungo sa finals kung sa­an ang top teams ang pa­pasok sa 2024 Volleyball Nations League (VNL).

Nagmula ang Alas Pilipinas sa makasaysayang bronze medal finish sa na­karaang 2024 AVC Challenge Cup for Women.

Idinagdag ni Brazi­lian coach Jorge Edson Souza de Brito sa tropa si Creamline star Jema Ga­lanza at sina Bella Belen at Alyssa Solomon ng UAAP champions National University Lady Bulldogs.

Makakasama nila sina team captain Jia De Guzman, Angel Canino, Sisi Ron­dina, Eya Laure at iba pa.

Show comments